knowt logo

IBA'T IBANG URI NG TEKSTO

TEKSTONG INFORMATIVE, TEKSTONG DESCRIPTIVE, TEKSTONG NARRATIVE,

TEKSTONG ARGUMENTATIVE, TEKSTONG PROSIJURAL.

1. TEKSTO INFORMATIV

  • Isang paglalahad o pagpapaliwanag ng mga makatotohanang impormasyon tungkol sa maraming bagay na may pinagbabatayan.Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao. Layunin nitong magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na kaalaman,bagay at pangyayari.

Katangian ng Textong Informativ

  1. Pili at tiyak ang mensahe ng mga salita**.**

  2. Tiyak ang mga impormasyon o mga detalye na nasa lohikal na paghahanay.

  3. Madaling maunawaan nang babasa ang mga ginamit na mga pangungusap.

  4. Maayos ang pagkakahanay ng mga salita.

Uri ng Tekstong Informativ

  1. Pagbibigay-katuturan - isang anyo ng paglalahad na ginagamit ng mga manunulat kung gusto nilang bigyan ng pagpapakahulugan ang isang paksa.

Hal: Ang depresyon ay isang karamdaman sa utak na nakaaapekto sa pag-iisip, damdamin, pag-uugali at kalusugan. Neurosis ang ibang tawag dito. Naniniwala ang mga eksperto na ang depresyon ay sanhi ng di-balanseng kemikal ng utak.

  1. Enumerasyon - tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya. Tuwiran ang pag-aayos ng mga detalye na susuporta sa depinisyon, pagpapahayag o ideya.

Pagsunud-sunod (Sekwensyal, Kronolohikal at Prosejural)

  • Sekwensyal (Sequence)

–Ito ay binubuo ng mga serye ng mga pangyayari na patungo sa konklusyon o ang sekwens ng mga pangyayari na may kaugnayan sa partikular na pangyayari.

  • Kronolohikal (Chronological)

–Ang mga pangyayari ay laging may kaugnayan sa nauna o sa sumunod na pangyayari. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagkukuwento at sa mga tekstong pangkasaysayan.

  • Prosejural(Pocedure)

–Kailangang mag-ingat sa pagpapakita ng bawat hakbang at siguruhin na walang makaliligtaang hakbang.

Hal: Pagbibigay ng direksyon.

  1. Paghahambing at Pagkokontrast

  • Ipinaliliwanag ang pagkakatulad sa pagitan ng dalawa o mahigit pang ideya, tao, lugar, pangyayari, bagay at iba pa. Sa pagkokontrast, ipinaliliwanag ang pagkakaiba samantalang sa paghahambing ay pagkakatulad sa dalawa o higit pang ideya.

  1. Problema at Solusyon - Nagpapahayag ng isang problema at nagtatala ng isa o mahigit pang solusyon sa problema. Karaniwan ito ay nagsisimula sa pagbibigay ng suliranin at pagsusuri ng mga kalagayang lumilikha ng nasabing suliranin

Problema > Solusyon

  1. Sanhi at Bunga - nagtatala ng isa o mahigit pang sanhi at epekto ng pangyayari. Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap at ang epekto ng pangyayaring ito ay tinatawag na resulta.

2. TEKSTONG DISKRIPTIB (DISCRIPTIVE) O PAGLALARAWAN

Isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang nakikita ng mga mata, naaamoy ng ilong, nararamdaman ng balat o ng katawan, ang nalalasahan ng dila o kaya naman ay naririnig ng tainga.

Ang textong deskriptib ay tekstong naglalarawan. Ginagamitan ito ng makukulay na pananalita.

LAYUNIN NG PAGLALARAWAN

  • Layunin nito na makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan. Layunin din nitong makapagbigay ng impormasyon at makapanggising ng damdamin.

1.Paggamit ng wika
2.Organisado ang paglalarawan
3.Ginagamitan ng mga detalye
4.Nag-iiwan ng impresyon o kakintalan
MGA HAKBANG SA PAGLALARAWAN

1.Pangangalap o pagkuha ng mga datos. Maaaring gamitin ang pandama:paningin,panlasa,pang-amoy at        pandinig.

Hal: Isang midyum: litrato,pinta,iskultura,pelikula awitin,sayaw,atbp. imahinasyon o isipang mapanlikha.

2.Pagbuo ng isang balangkas para sa paglalahad ng mga detalye ng paglalarawan. Pagpili ng mga salita o parirala na maaaring lunsaran ng mga mahahalagang detalye.

3.Pagsulat ng burador o draft ng paglalarawan. Pagpili ng mga detalye na sumusuporta at nagbibigay diin sa kabuuang impresyong gustong ilarawan.

4.Pag-edit ng Simula. Pagrerevised ng simula o ng komposisyon para makita ang mga mali at mga dapat baguhin.

URI NG PAGLALARAWAN

  1. Karaniwang Paglalarawan – kung saan payak ang paggamit ng mga salita upang maibigay kabatiran sa ayos at anyo ng tao o bagay na inilalarawan.

Halimbawa: Si Marites ang pinakamatalino sa kanilang klase. Matataas ang kaniyang mga marka. Mahusay siya sa lahat ng mga sabjek. Lagi siyang nakatatanggap ng papuri sa kanyang mga guro.

  1. Masining na Paglalarawan – nagtataglay ng katangian ng karaniwang paglalarawan at pinupukaw nito ang guni-guni o imahinasyon. Ginagamit sa ganitong paglalarawan ang mga tayutay at mga salitang matatalinhaga.

Halimbawa: Napakadilim at malakas ang hangin sa buong Maynila na nagdulot nang mataas na pagbaha sa malaking bahagi nito.Noong rumaragasa ang ulan ang aking dibdib ay parang bolang patalbog-talbog habang naririnig ko ang pagdampi ng mabibigat na patak ng ulan sa aming bubungan.

3. Tekstong Narativ - ay batay sa sariling karanasan ng isang tao ayon sa kanyang mga gawain sa pang-araw-araw, maging ikaw ay isang profesyonal o mag-aaral o pangkaraniwang mamamayan.

Ito ay nakabatay sa tunay na mga pangyayari o kung minsan naman ay kathang-isip lamang ng isang tao.

Ang tekstong narativ ay ang pagsasalaysay ng magkaugnay na pangyayari sa anyong kwento at sa wikang maliwanag. Inilalahad nito ang mga pangyayari sa ayos ng kronolohikal o mula sa pinakahuli hanggang sa pinakaunang pangyayari. Ang naratib ay may tiyak na simula, gitna, at wakas.

  • Maaaring ito ay isang mahabang pagsulat.

  • Ang narativ ay maaaring piksyon o di-piksyon.

  • Mga halimbawa nito ang anekdota at talambuhay.

Piksyonal o di-piksyonal man, ang narativ ay may mga elemento ng isang kwento, tulad ng tagpuan, tauhan, at banghay. Isang magandang anekdota ay tungkol sa ating “Ama ng Wika” na walang iba kundi si Pangulong Manuel L. Quezon o kaya ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIVE

1.Ang textong narativ ay isang impormal na pagsasalaysay. Para kang nagkuwento ng isang bagay o isang          pangyayari sa isang kaibigan.
2.Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari.
3.Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong narativ at ng isang matibay na konklusyon.

4. Tekstong Argumentativ

Argumentativ ang isang teksto kung saan ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na may kaugnayan sa mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.

L***ayuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan****.*  Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o pagbibigay ng kasalungat laban sa nauna gamit ang mga ebidensya. Ang halimbawa ng tekstong argumentatibo ay tesis, posisyong papel at editoryal.

Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

  • Suriin nang mabuti ang iba-ibang panig tungkol sa isang usapin

  • Magsaliksik at humanap ng mga ebidensyang batay sa katotohanan

  • Pinakasimple at diretso sa puntong balangkas (Introduksiyon, tig-iisang talakay ng bawat ebidensya, konklusyon)

  • Kailangang madaling makakuha ng atensyon at interes ng mambabasa

  • Magbigay ng pang-unang impormasyon tungkol sa paksa

  • Maaaring talakayin ang “pinanggalingan” ng may-akda (kung bakit niya naisipang bumuo ng argumento)

5. TEKSTONG PROSIJURAL

Ang tekstong ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod na mga hakbang. Malinaw sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod- sunod sa paggawa ng isang bagay.

D