knowt logo

Y1A1: Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ano ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat?

  • Pagsulat - isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo; isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan

    • ang pagsusulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang magagamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng tao, o mga tao, sa layuning , maipahayag ang isipan

    • kapwang pisikal at mental na aktibiti/gawain na ginagawa para sa isang layunin

  • Donald Murray - “ang pagsulat ay isang eksplorasyon--- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma--- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ani ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente. “

    • Ayon pa kay Murray, “ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib or paulit-ulit”

    • “Writing is rewriting”

Ano ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat?

Etimolohiya

  • Sosyo - salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao

  • Kognitib - tumutukoy sa pag-iisip at imperikal o paktwal na kaalaman

Kahulugan

  • Sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat- isang paraan ng pagtingin ng proseso ng pagsulat; kapwa isang komunikasyong intrapersonal; isang proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tulad ng:

  1. Ano ang aking isusulat?

  2. Paano ko iyon isusulat?

  3. Sino ang baabasa ng aking isususulat?

  4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?

Mga layunin sa pagsusulat:

  • Personal na gawain ang pagsulat, sapagkat ginagamit siya sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama

  • Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nasasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan (transaksyunal na pagsulat).

  • Bernales, et al - ang naglatag ng tatlong layunin sa pagsusulat:

  1. Impormatib - Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pagunlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

  2. Mapanghikayat (persuasive) - Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor

  3. Malikhain (creative) - Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathangisip,imahinasyon,ideya,d amdamin o kumbinasyon ng mga ito

Proseso ng pagsulat

  • Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito

  • Maari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan ng tao

Mga hakbang

  1. Pag-sinta (triggering) - Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.

  2. Pagtipon (gathering) - Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.

  3. Paghugis (shaping) - Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus ng ating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa

  4. Pagrebisa (revision)- Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pagunlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Mga uri ng pagsulat

  1. Akademikong pagsusulat - layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa; itnuturing ding isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalama ng mga estudyante sa paaralan

    • halimbawa:

      1. kritikal na sanaysay

      2. lab report

      3. eksperimento

      4. konseptong papel

      5. term paper

      6. pamanahong papel

      7. thesis o disertasyon

  2. Teknikal na pagsulat - isang uri ng tekstong ekpositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin; paglilikha ng dokumrntasyon para sa teknolohiya; tumutugon sa kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat; sumasaklaw sa pagsulat ng mga sykating may kinalaman sa komersyo o empleyo.

    • halimbawa:

  3. Referensiyal na pagsulat - nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri; layunin nito maiharap ang impormasyon na batay sa katotohanan; naglalayong magrekomendda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa

    • halimbawa:

      1. teksbuk

      2. pamanahong papel

      3. thesis

      4. disertasyon

      5. bibliyografi

      6. indeks

      7. notecard

  4. Journalistik na pagsulat - pagsusulat ng balita; pampamamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasanf ginagawa ng mamamahayag o journalist

    • halimbawa:

      1. balita

      2. editoryal

      3. kolum

      4. lathalain

  5. Malikhaing pagsulat - masining na uri na pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura; ang pokus ay ang imahinasyon ng manunulat; layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa

    • halimbawa:

      1. tula

      2. nobela

      3. maikling katha

      4. dula

      5. sanaysay

  6. Profesyunal na pagsulat - nakatuon sa isang tiyak na profesyon

    • halimbawa:

      1. police report - pulis

      2. investigative report - imbestigador

      3. legal forms, briefs, at pleadings - abogado

      4. patient’s journal - doktor at nurse

SP