Maraming buwaya ang naglipana sa ating lipunan. Anong dimensyon ng semantika ang tinutukoy ng salitang "buwaya"?
Semaino
Ang salitang semantika ay nagmula sa salitang griyegong __ na nangangahulugang "makabuluhan" o "makatuturan"
Talasurian
Ang semantika ay pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng bawat salita, kataga, o wika. Dahil dito, ito ay tinatawag ring __
Konotasyon
Ito ay maaaring nakadepende rin sa intonasyon at motibo ng nagsasalita. Tumutukoy rin ito ng di tuwirang pagsasaad ng kahulugan
Chismis
Alin sa mga sumusunod na kataga na nagpapahayag ng akmang konotasyon sa katagang "balitang kutsero"?
Kakayahang Pragmatiko
Mabisang paggamit ng yaman ng wika upang makapag pahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng usapan. Ito rin ay kasanayan sa pagtukoy ng mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan.
Berbal
Ito ay sinasabi gamit ang mga salita sa pagpapahayag at pangunahing paraan ito upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan.
Di-Berbal
Ito ay di ginagamitan ng mga salita, sa halip ay pinapakita ito sa ekspresyon ng mukha, kumpas at galaw ng kamay, kulay maging simbolo ang paraan ng pagpapahayag.
Pragmatikong Berbal
"Naiinis ako sa sinabi niya". Ito ay isang halimbawa ng ____
Pragmatikong Di-Berbal
Umirap si Foxx sa sinabi ni Mark at biglang tumalikod. Ito ay isang halimbawa ng
Sintaksis
Ang _________ ay isang kakayahang linggwistika na pumapatungkol sa pag-aaral na mga alituntunin ng balarila na siyang ginagamit upang matagumpay na makabuo ng wastong mga pangungusap na nagpapahiwatig ng buong diwa gamit ang iba't ibang bahagi ng pananalita at mga morpema.
Paksang Pangngalan, Panaguring Pang-uri
Nakabubuti di umano para sa nakararami ang pagbabawal ng paggamit ng medikal na Marijuana. Gayunpaman, hindi lingid sa kaalaman ng marami na mayroong kahalagahan sa larangan ng medisina ang medikal na Marijuana.
Piliin ang titik na nagsasaad ng tamang tumbasan ng uri ng paksa at panaguri para sa unang pangungusap alinsunod sa anim na uri ng mga simuno / paksa at panaguri.
Nagdaraos ng pagpupulong ang mga kasapi ng mga Pirata ng Dayaming Sumbrero laban sa mga taga-Isla ng Buong Keyk
Piliin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga parirala sa ibinigay na pangungusap.
Pariralang Pang-ukol
"Nag uukit ng mga manika si Lola, pero kinukulit siya ni Foxx." Alin sa mga sumusunod ang wala sa pangungusap na ito?
Sintaksis
Ito ang bahagi ng gramatika na may kinalaman sa sistema ng mga batas at kategorya na siyang pinagbabatayan sa pagbuo ng mga pangungusap.
Dayalekto
Ito ay isang uri ng permanenteng wika kung saan ang pinagbabatayan ay ang pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang indibidwal.
Idyolek
Anong barayti ang kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibidwal na gumagamit ng wika at gumagamit din ng pansariling paraan ng pagsasalita ng bawat tao na nagpapatunay ngang homogenous ang wika dahil sa pagkakaiba-iba ng paraan ng bawat isa?
Etnolek
Nadedebelop mula sa salita ng mga etnolinggwistikong grupo.
Ekolek
Wikang ginagamit sa loob ng tahanan at salitang madalas namumutawi sa bibig ng madalas na gumagamit
Sosyolek
Isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
Gay Lingo
Wika ng mga beki na kung saan gumagamit sila ng wika para mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan. Paraan din ito para sa sikretong lenggwahe na hindi maintindihan ng hindi kabilang sa kanila.
Conyo
Baryant ng taglish.
Register
Ito ay isang uri ng pansamantalang barayti ng wika na bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika. Ang mga halimbawa nito ay ang mga salitang ginagamit sa larangan ng medisina o isports.
Istilo
Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap
Creole
Nadedebelop sa pinaghalo-halong salita sa indibidwal, mula sa magkaibang lugar na naging pangunahing wika
Pidgin
Nobody’s native language
Komunikasyon
Proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin.
Dayalek
Wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Midyum
Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.
Jejemon
Nakabatay sa wikang ingles at filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin o intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping.
Sosyolek - Conyo
Ika ni Elyse sa istoryang Chasing in the Wild, "Make sure na may progress na there." Anong barayti ng wika ang ginamit ni Elyse sa kaniyang sinambit? (Isulat ang barayti ng wika at espisipikong uri ng barayting ito.)
Mummsy at pamingganan
"Inutusan ako ni mumsy na hugasan ang mga pinagkainan sa pamingganan". Anong salita/mga salita sa pahayag ang halimbawa ng ekolek?
Register
Sa aming report, nabanggit ni Doktora Chin ang mga salitang "psychiatrist, diagnosis, at over fatigue." Saang barayti ng wika kabilang ang mga salitang ito?
Gay Lingo
Sabi nga ni Yohan sa aming report "Naku nay, wa facelak nan sa girlash ko no!" Ito ay isang halimbawa ng?
"Go go go, todo na to" ni Ruffa Mae Quinto
Kung talagang nakinig kayo sa aming report, anong idyolek ang aming ginamit na halimbawa?
Pidgin
Saang barayti ng wika nabibilang ang "kayo bili prutas akin"?
Etnolek
Nabanggit sa aming report ang mga salitang "Iniirog, bullaki, mangan at kayrikit". Saang barayti ng wika ang mga salitang ito kabilang?
Conyo
"Oh my God! It’s so mainit naman dito." ay halimbawa ng anong barayti ng wika?
Creole
"Donde tu hay anda?" Saang barayti ng wika ito kabilang?
Idyolek
Ang pagsasabi ni Kuya Kim ng ang "Buhay ay Weather Weather Lang" ay halimbawa ng?
Dahil sa iba’t-ibang pangangailangan na lumalabas sa iba’t-ibang sitwasyon, kinakailangang magbago ang iba’t-ibang salik sa komunikasyon upang makuha ang mga pangangaluangang nito.
Ipaliwanag kung paano nakakaapekto ang iba’t-ibang salik kagaya ng konteksto ng komunikasyon at panahon sa paggamit ng wika.
Kakayahang Lingguwistika
Tumutukoy ito sa abilidad ng isang tao na makaunawa at makabuo ng maayos at makabuluhang pangungusap.
Notional Function Syllabus
Ito ay teoryang tumutukoy upang matamo ang kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginagamit sa teksto.
Gramatika, Balarila (any of the 2)
Ito ay ang kaayusan ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap at organisasyon ng mga ideya
Retorika
Ito ay may tungkulin sa pagpapaganda at pagpapatimyas ng mga pahayag upang maging masining at kaakit-akit ang pagsasalita at pagsulat
Mali, ang gramatika at retorika ay hindi pwedeng mapaghiwalay
Ang gramatika ay maaaring mapag-isa. Tama o Mali? Ipaliwanag
Ponema
Ito ay tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika.
Ponolohiya
Ano ang tawag sa pag-aaral ng ponema o mga tunog ng ating wika?
Antala
Anyo ng ponemang suprasegmental na tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
Ponemang Segmental
Uri ng ponema na binubuo ng ponemang katinig at patinig
Tono
Anyo ng ponemang suprasegmental na tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig
Morpemang Ponema
Anyo ng morpema na nagpapakilala sa kasarian
Morpemang Pangkayarian
Ano ang uri ng morpema ang nangangailangan ng iba pang salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap?
Morpolohiya
Ito ay pag-aaral sa pagbuo ng mga salita gamit ang iba't ibang morpema
Morpema
Pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan
Morpemang Panlapi
Anyo ng morpema kung saan ito ay kinakabit sa salitang-ugat
Kritikal na Sanaysay
Ang ______________ ay isang akademikong pagsulat kung saan mayroong kaisahan ang analtikal at kritikal na pagiisip ng manunulat.
Impersonal
Ang mga sumusunod na mga salita ay kabilang sa mga katangian ng isang kritikal na sanaysay MALIBAN sa isa:
Kaligirang Impormasyon
Ito ang pangunahing impormasyon na kinakailangang malaman ng isang mambabasa bago basahin ang sanaysay.
Katawan
Ito ang pinakaimportanteng bahagi ng isang kritikal na sanaysay, sapagkat ito ang naglalaman ng karamihan sa mga impormasyon ng isang akda.
- Magsanay ng aktibong diskarte sa pagbabasa
- Labanan ang pagnanasa na ibuod ito
Magbigay ng dalawang tips na maaaring gawin upang makapaglatha ng isang komprehensibong kritikal na sanaysay.
Hindi paggamit ng kritikal na kaisipan.
Ang mga sumusunod ay sumasailalim sa mga uri ng paglabag sa etika sa pananaliksik, MALIBAN SA ISA
Paksa
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong salitang tinutukoy:
Sa pagsusuri sa pananaliksik kailangang suriin kung ang pangunahing ________ ay tumutugma at makikita sa pamagat ng pananaliksik. Tiyakin din na ito ay tiyak at hindi malawak.
Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu
Magbigay ng isang layunin ng pagsusuri ng pananaliksik.
Layunin ng Pagsusuri ng pananaliksik
Sa bahaging ito inilalahad ang mga layunin o nais makamit ng isang manunulat sa pamamagitan ng pananaliksik.
Palarawan o Descriptib na Pamamaraan
Ito ay ang pamamaraan ng pananaliksik na naglalarawan at nagbibigay kahulugan tungkol sa isang paksa o bagay. Tinatalakay rin dito kung ano ang kalagayan ng paksa sa kasalukuyan.
Lumalawak ang karanasan
Magbigay ng isang kahalagahan ng pananaliksik.
Historikal
Isang metodo ng pananaliksik kung saan kadalasang obserbasyon o case study ang ginagawa upang masaliksik nang maayos ang paksa
Etikal na Pananaliksik
Tumutukoy sa pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa maingat, matapat, at makatarungan na paggalang sa gawa ng ibang tao.
Thesis Statement
Kadalasan makikita sa huling bahagi ng introduksyon ng isang sanaysay na naglalaman ng pangunahing punto na nais iparating ng manunulat ng isang akda.
Panahon ng Pagbangon
Panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili
Panahon ng Pagbangon
Nakamit ang ianatasan na kasarinlan ng wikang Filipino
Panahon ng Pagbangon
Ito ang panahon ng pagbangon ng mga nasalanta ng digmaan
Panahon ng Pagbangon
Panahon kung kalian sumentro sa mga gawaing pang-ekonomiya ang Pilipinas
Hulyo 4, 1946
Kelan nagsimula ang Panahon ng Pagbangon
Batas Komonwelt Blg. 570
Kumilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika noong Hulyo 4, 1946
Hunyo 7, 1940
Kailan naitatag ang Batas Komonwelt Blg. 570
Pambansang Asemblea
Ang Batas Komonwelt Blg. 570 ay pinagtibay ng?
Pangkagawaran Blg. 7
Nagsasaad na ang wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang maiwasan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa batay sa Tagalog”
Sec. Jose B. Romero
Isinulat ang Pangkagawaran Blg. 7 nino?
Agosto 13, 1959
Kailan naitatag ang Pangkagawaran Blg. 7
Kalihim Alejandro Roces
Inutos na ipalimbag sa Filipino ang lahat ng sertipiko at diploma sa taong aralang 1963-1964 (base sa Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal)
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 6 (1963)
Pagsasatitik ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa Pilipino
Pangulong Diosdado Macapagal
Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 ay nilagdaan nino?
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967
Nagsasaad na lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan sa Filipino
Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)
Sinasabi na dapat ang ulong-liham ng tanggapan ng pamahalaan ay isusulat sa Pilipino
Kalihim Tagapagpaganap Rafael Sales
Ang Memorandum Sirkular Blg. 172 ay nilagdaan nino?
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)
Nagtatagubilin sa lahat ng kawaning pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Filipino na pangungunahan ng surian ng Wikang Pambansa sa ibat – ibang purok lingguwistika
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969)
Lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat ng opisyal sa komunikasyon at transaksyon
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974
Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinguwal sa mga paaralan na nagsisimula sa S.Y. 1974 – 1975
Corazon C. Aquino
Siya ay bumuo ng bagong batas ang Constitutional Commission at nagsulong ng paggamit ng wikang Filipino
Saligang Batas 1987
Nilinaw ang mga kailangang gawin upang mataguyod ang wikang Filipino
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 s. 1988
“Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya"
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Seksyon 6
"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Seksyon 7
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Seksyon 7
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Seksyon 7
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Seksyon 8
Ang Konstitusyon ay dapat na ipahayag sa Tagalog at Ingles
Saligang Batas 1987 Artikulo XIV Seksyon 9
Dapat magtatag ang kongreso ng komisyon sa wikang Pambansa
Executive Order No. 210
Nag–aatas ng pagbabalik ng monolingguwalismo sa wikang pampagturo (Ingles sa halip na Filipino)
Gloria Macapagal Arroyo
Sino ang nagakda sa Executive Order No. 210
Mayo 2003
Kelan naisyu ang Executive Order No. 210?
Komisyon sa Wikang Filipino
Depinisyon ng wikang Filipino na napagkasunduan sa ilalim ng Kapasiyahan Blg. 13 - 39
Agosto 5, 2013
Kelan naisyu ang Komisyon sa Wikang Filipino?
Hunyo 19, 1974
Kailan naitatag ang Kautusang Pangkagawaran Bilang 25