Notifications

PFPL

0.0(0) Reviews
Duplicate
Report Flashcard set

Spaced Repetition

spaced repetition

Flashcards

flashcards

Learn

learn

Practice Test

exam

Tags

Description

TANGINA MOOO PUTA TANGINA MOO

39 Terms
😃 Not studied yet (39)
pagsulat
pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.
**pagsulat**
Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
Xing at Jin
Alin kay ______ ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
Keller
Ayon kay _____ ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
James Kinneavy
Ayon kay _____ may limang kategorya sa pagsulat na naging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod
Ekspresiv
Personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili
Formulari
Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya
Imaginativ
inagamit upang mabigyang-ekspresyon ang mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa
Informativ
Upang magbigay ng mahahalagang inpormasyon at ebidensya
Persweysiv
Upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang ipinahayag
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailangan sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik 3. Mahuhubog ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 4. Mahihikayat at mapapaunlad ang kakanyahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
**KAHALAGAHAN O BENEPISYO NG PAGSUSULAT**
Wika
Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
Wika
Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
Paksa
Ito ang nagsisilbing pangkahalatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. 
Paksa
Ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay makatutulong nang malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-pansin.
Layunin
Ito ang magsisilbing giya (guide)mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
Pamaraan ng pagsulat
May limang pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.
1. Impormatibo 2. Ekspresibo   3. naratibo 4. deskriptibo 5. argumentatibo
5 na pamaraan ng pagsulat
Kasanayang pampag-iisip
Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat na isama sa akdang isusulat.
Kasanayang pampag-iisip
Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran.
Kasanayang pampag-iisip
Higit sa lahat, kailangan maging obhetibo siya sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng mahusay na sulatin.
Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin
Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
1. Prewriting 2. Actual Writing 3. Rewriting
Mga Hakbang sa pagsulat
**Prewriting/ Gawain Bago Sumulat**
Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
**Actual writing**
Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.
Rewriting 
Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.
1. MALIKHAING PAGSULAT (Creative Writing) 2. TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical Writing) 3. PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional Writing) 4. DYORNALISTIK NA PAGSULAT (Journalistic Writing) 5. EPERENSYAL NA PAGSULAT (Referential Writing) 6. AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic Writing)
Mga uri ng Pagsulat
MALIKHAING PAGSULAT (Creative Writing)
Pangunahing layunin nito ang maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
MALIKHAING PAGSULAT (Creative Writing)
Karaniwan itong bunga ng malikot na kaisipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang isip lamang.
TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical Writing)
Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t –ibang uri ng mambabasa.
TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical Writing)
to ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal.
TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical Writing)
Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology.
PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional Writing)
Ang uri ng pagsulat na may kinalaman sa mga sulatin sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. 
PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional Writing)
Binibigyan pansin nito ang paggawa ng sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
DYORNALISTIK NA PAGSULAT (Journalistic Writing)
Ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin
REPERENSYAL NA PAGSULAT (Referential Writing)
Layunin nito ang bigyang-pagkilala na mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon
REPERENSYAL NA PAGSULAT (Referential Writing)
Layunin din nito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isangtiyak na paksa
AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic Writing
isang intelektwal na pagsulat. Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. May sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan.